Tigib ng sakit ang
manlilikha
na nagmumula sa kontraksiyon
ng matris.
Tumiklop ito sa pagkakaupo
dala ng mga banta ng
pagduwal.
Hindi siya makahinga
sa gitna ng mga
buntong-hininga.
Sinakluban ng hilo ang
sentido
at nabitawan ang tangang
mahika.
Sa bawat pagkirot ng uterus,
nalalaglag ang madalang na
salita
at nilulunod ng sumunod
na bulto-bultong dugo.
Siya ay humimlay sa banig
ng gamot at namait ang
panlasa
sa kape at alak.
Di pa rin nagmamaliw
ang karamdaman,
walang lunas ang kanyang
dinidismenoriyang gunita.
Ilang halik at hawak pa at
ang mga linyang
nilikha ng bra at panty sa
kanyang balat
ay tuwirang mabubura ng
gumuguhit.
Tumayo ang suso tila tainga
ng asong nagulat.
Nabasa ang baba gaya ng
paglalaway
ng alagang tumabi sa kanya.
Sa blangkong espasyo,
siya'y binubuo at sinisira
ng aral na kamay,
ng pagtatalik ng mga guhit
ng itim na lapis.
Sa puting papel nabubuhay
ang kahulugan ng mga kurbang
linya, mga rehas
na kumukulong sa kanyang
laman.
Walang mukha ang larawan.
Sa sirkulong silipan
matutunghayan ang buhay ng
pangunahing artista.
May linyang ihihinga sa
dumating
na kapareha, ang unang
lalaki.
Kumusta.
Salitang tumitiping sa
katahimikan
at sa kanyang pagkabagot.
Ito ang hudyat sa
pangalawang lalaki
upang pumasok.
Inipit siya ng dalawa.
Pinitas ng kanilang
pasmadong ngipin
ang kanyang damit.
Pilit niyang sinulyapan
ang kanilang mukha kahit
nagdaragta ang lagusan
ng kanyang kaluluwa.
Maipagpapalit
ang kanilang pangalan
nang di sinasadya.
Habang hinahatak-hatak.
Tinutulak-tulak siya
hanggang sa dulo
ng kanyang bait.
Hinahatak-hatak.
Tinutulak-tulak niya ang
dalawa. Magbubuhol-buhol
ang kanilang daing sa
kanyang isip.
Sa huli,
guguho ang laman, ang loob
ng pangunahing artista.
Mamamaalam ang dalawa
sa pag-iwan ng mga pangako
sa kanyang bibig,
laging sa bibig.
Tapos na ang palabas. Ito
ang kanyang wakas.
At ang makatutuklas ng
kanyang lihim
ay magsasalsal ng dasal.
Taimtim ang paghusga tulad
ng mata
ng kamera.