“Akala
ko’y di ko maiibig ang dagat.”
- mula sa TAKOT
SA TUBIG ni Rio Alma -
Minsan
ko nang inibig ang alon.
Ang
kanyang pagdampi sa labi
Ng
dalampasigan ay lubos
Na
pagtangi sa bato at buhangin.
Sa
tuwing siya ay dumarating,
Lagi
siyang may handog
Na
taludtod ng tilamsik at ginhawa.
Kaya
minsan, sa muli niyang pagdalaw,
Siya
ay aking inangkin,
Siya
ay aking inaruga
At
ipinaghele sa aking mga palad.
Ngunit
sa bawat pagbubuntis ng buwan,
Nararamdaman
kong
Ang
pananatili niya sa aking piling
Ay
panunuyo ng kanyang tinig.
Ayaw
kong mawala ang awit ng alon
Kapag
sinusuyo ang dalampasigan
Kaya
minabuti kong masdan na lang
Siyang
lumilisan pabalik sa dagat.
Mula
noon, natitik sa aking isip
Na
hindi para sa akin
Ang
pagmamahal ng alon.
4
Marso 1997
Noon,
laging may pangamba
Ang
pagtanaw ko sa aplaya.
Bumibigat
ang aking buhok
Sa
alat na dala ng hangin.
Nagsusugat
ang aking mga mata
Sa
pagparoo't parito
Ng
mga alon; nagugunita ko silang sugo
Ng
mga balyena't dambuhalang-dagat,
Patuloy
na inaangkin ang dalampasigan.
Kaya
minabuti kong
Huwag
maghandog ng sulyap.
Ngunit
sa ganitong pangamba
Tayo
nagtagpo.
Habang
ako'y papalayo sa suyuan
Ng
tubig at buhangin,
Dumating
kang tinataludtod
Ng
iyong tinig ang mga alamat-dagat.
Ako'y
naakit sumulyap.
Nalaman
ko, may kilapsaw
Ang
mga kabibe't may nagtatagong bahaghari
Sa
sinapupunan ng mga korales.
Malamyos
ang haplos ng simoy
At
may pag-anyayang salukin
Ang
dagat sa buwan.
Nang
ang lahat ng pag-iral ay yumakap
Sa
aking pandama, hinila mo akong
Patungo
sa tabsing at nawala.
Naiwan
akong nakatayo sa paulit-ulit
Na
pagsilang ng mga bula
1995
Ngayong
gabi, tayo'y lumikha ng tulang
Oyayi
sa anak na himbing sa dampa,
Tulang
may pagsuyo sa dibdib ng kabyak,
Tulang
hindi kapos sa puso't pagliyag.
Dapat
na banggitin ang mga panahong
Baon
ang rekwerdo ng kanilang bulong
Habang
nagtatanggol ng laya at isip
Laban
sa marahas at bakal na bisig.
Huwag
kalimutan ang mga hilahil
Ng
mga kasamang nais ding maghain
Sa
kanilang mahal ng paglayang mithi
Kahit
na madapa, madahas, masawi.
Kailangan
nating ito'y ipaalam
Sapagkat
kasama sila sa tagumpay.
Hunyo
2001