soliman agulto santos
kapirasong
dahong may tangkay
kung
saan-saan mo ako tinatangay
ikaw,
kapirasong kahoy
na
hugis dahon,
kung
wala ka’y wala
akong
direksiyon
paano
makatatawid
ang
aking bangka
kung
hindi kita hahawakan
at
igagaod sa ibabaw ng ilog,
at
paano makakauwi?
kung
wala ka,
maitatawid
ba ng kamay ko lamang
ang
gutom ng mga anak ko’t asawa?
kapiraso
ka lamang,
ngunit
ang silbi mo
ay
sinlaki ng karagatan.
Palapat
Tingnan
mo nga naman,
nandiyan
ka pa rin -
matikas
na palapat.
Tuwing
makikita kita, gaya ngayon,
hindi
maiwasang umagos ng mga alaala.
Ikaw
pa rin iyan.
Ang
malalabay mong sanga,
ang
malalagong dahon.
Diyan
ako naglalambitin noon,
tapos
ay ibabagsak ko ang katawan
sa
maligamgam na tubig.
Natatandaan
mo pa siguro,
nang
minsang nagpasikat ako
sa
mga babaeng taga-Maynila,
dumaib
ako mula sa iyong sanga
pabulusok
sa tubig kahit masakit.
Mabuti
at hindi ka nabalian ng sanga
kundi
baka ako’y napahiya pa.
Kaibigan
kita, hanggang ngayon.
May
ibang bata nang naglalambitin
sa
iyong mga sanga.
Makakaya
mo pa kaya ako ngayon?
Nahihiya
akong umakyat sa iyo
at
muling tumalon sa tubig.
Siya
nga pala, kasama ko
ang
aking mga anak na dalagita,
nakapangasawa
ako ng taga-Maynila,
nakikita
mo siguro sila ngayon.
Hindi
ko alam kung sa iyo sila
nakatingin
o sa mga batang nakalambitin
sa
iyong mga sanga at nagpapasikat
sa
mga babaeng taga-Maynila.
Ang Ilog Namin
Nagbibigay
ka ng buhay.
At
kumikitil din.
Sa
sinapupunan mo
nangangapa
ng kabuhayan
ang
taong naghahanap ng maiuulam.
Sa
maligamgam mong tubig
inilulunod
ng mga bata
ang
init ng katawan kung Marso.
Sa
ibabaw mo
dumadaan
ang bangka ng mangingisda
papunta
sa kabilang ibayo.
Kapag
tag-ulan
ika’y
patubig na nagbibigay-buhay
sa
mga palay.
Ngunit
sino ang hindi natatakot
kapag
rumaragasa ka kung may bagyo?
Umaapaw
ka’t dumadalaw sa loob
ng
aming mga bahay.
Sinong
makakalimot
nang
minsang tangayin ng mabilis mong agos
ang
isang binatang nagtangkang tumawid
palangoy
sa kabilang pampang
upang
makapangisda?
Paano
ka namin pakikitunguhan?
Nagagalit
ka ba o natutuwa
pag
pinapakita mo ang lakas ng iyong ragasa?
Sinisisid
ka ng mga mangingisda
ngunit
nagtataka ang lahat kung gaano ka kalalim.
Kapag
ika’y payapa,
dapat
ba kaming mapanatag?
Bakit
kung minsa’y ayaw mong magbigay ng isda?
Dakilang
Ilog,
gaano
ka kalalim?
Nagbibigay
ka ng buhay
at
kumikitil din.
Mangingisda
Ang
patak ng ulan ay pintig
ng
puso ni inang hindi mapakali
sa
tuwing hahagupit ang hangin
at
papasok ang anggi
sa
bawat butas ng dingding
na
kanina’y kinukumpuni ni ama
bago
pumalaot sa dagat.
Ang
patak ng ulan kasi’y
maaaring
isang bulag na buhawing
nagpapakatag
sa bangkang ang lulan
ay
panganib at pangamba
sa
isang balisang mangingisda
na
walang hangad kundi manghuli
ng
tatlong subong kanin.
Sa Aking Ina
Kung
tutuusi’y maaari kang umupo
humalakhak
o sumimangot sa trono
gaya
ng ibang inang nagsusungya
habang
hawak ang anak at nagpapasuso.
Gusto
mo sanang kumustahin ang hari
at
damhin ang dulas ng alas na oro,
makipag-espadahan
sa sota
o
kaya’y sumakay sa bastos na kabayo.
Danga’t
naalala mo ang lata ng biskwit na bigasan
na
bukod sa luma na ay wala pang laman,
at
kung gusto ni ama ng paborito niyang kape
paano
kung ubos na pala ang asukal?
A,
kailangan ng dobleng pagtitipid
pagkat
ang bunso mo’y kukuha ng eksamen
(gusto
mo sana siyang pag-aralin),
kailangan
mong magtinda ng isda
habang
si ama’y abala sa pamamalakaya.
Oda sa isang
bagong timba
nakasakay
kita sa dyip
minsang
galing ako sa Malolos
bitbit
ng isang aleng inaantok
tinitigan
kita
at
sa tingin ko’y nakatitig
ka
rin sa akin
maganda
ang kulay asul mong kabuuan
at
kumikintab ang bakal na tatangnan
waring
hindi ka kumukurap
at
nagmamalaking sinasabi sa akin
ako
ay isang bagong timba
maaari
akong magamit sa paliligo,
maaaring
imbakan ng bigas
pagkat
bago ang aking takip
maaari
rin akong gawing lalagyan
ng
isdang ilalako sa kung saan
tama
ka, kaibigang timba
at
diyan ay nagpupugay ako
sa
iyo, munting timba
gusto
ko ring sabihin
sa
iyo na kahawig mo
ang
lumang timba ni inang
na
kasa-kasama niya
sa
iba’t-ibang lugar
sa
paglalako ng isda
para
kami’y kanyang mapakain.
Manunukot
kabisado
niya ang gubat ng sasahan
alam
niya kung nasaan ang mga lungga
ng
alimango, saan man sila magtago;
sa
gilid ng pilapil, sa ilalim ng kulumpon
ng
mga patay na dahong sasa
sa
ugat ng mga puno at kawayan-
saan
man magtago,
tinutugis
ng manunukot ang alimango
gamit
ang kapirasong bakal at kawayan,
mas
mahalaga ang lakas ng loob
talas
ng mata at gaspang ng kamay
upang
di masipit ng alimangong nagagalit
kailangan
niyang tugisin ang mga alimango,
kailangang
mapalabas sa liku-liko mang lungga
pagkat
siya, ang manunukot
ay
di maaaring pumasok sa maliliit na lungga
at
mabuhay kasama ng mga nilalang na may sipit
sa
baryo, ang mga taong mahilig sa alimango
ay
naghihintay na sa iuuwi niyang huli
malamang,
naiinip na rin ang kanyang bunso
at
sa duongan, naghihintay na
ang
isang nananabik na pamilya.
Sa Duongan,
Ika-pito ng Gabi
Pagkatapos
ng maghapong paglulubalob
sa
burak, nandito tayo sa duongan.
Sa
harap ng inumin ng tunay na lalaki
tayo’y
nagkukwentuhan.
Tungkol
kanina,
ako,
nagtambak sa pilapil
ikaw,
sumama sa biyahe sa pagtataeng-manok,
siya,
nangapa, ‘yung isa, nainisid sa ilog.
Pagkatapos
ng maghapong paglulubalob
nandito
pa rin tayo sa harap ng ilog.
Tingnan
ninyo ang ilog,
ngayo’y
madilim na
maya-maya,
mamahinga na tayo
pero
siya - ang ilog,
ay
patuloy sa pag-agos.
pare-pareho
tayong lumangoy sa ibabaw niya,
pareho
nating sinisid ang kanyang pusod,
pare-pareho
tayong sumasahod ng syento singkweta
kada
araw mula sa among propitaryo.
Nandito
siya, tingnan ninyo,
ang
ating ilog,
ang
ating buhay,
pustahan
tayo
pag
isa na sa atin ang malagihay,
duduraan
niya ang ilog,
iihian
niya, susukahan
ang
ilog - ang ating buhay.
Naglalako Siya
ng Isda
naglalako
siya ng isda
sa
iba’t-ibang lugar
sa
kaitaasan
kung
saan walang ulam
ang
mga tao
sa
mga lugar na hindi dinadalaw
ng
tubig alat
sariwa
ang dala niyang isda
sa
loob ng kanyang bilao
o
lastay o timba
kahuhuli
lang ng mga iyon
sa
tabing dagat
pinagpuyatan
ng kanyang
mahal
na asawa
hindi
lang isda
ang
kanyang dala
pagkat
mura ang kanyang tinda
nakakabili
ang marami
kahit
maliliit na biya o ayungin
mainam
na ring pananghalian
para
sa mga taong hindi nakakatikim
ng
biyaya ng tubig alat.
Ang Mga Bituin
Mahiwaga
ang mga bituin
sa
maalong lawa ng dagat.
Orasan
ito ng mga mangingisdang
hindi
namamalayan ang paglipas ng magdamag.
Tanglaw
ito sa hipon at isdang
nagiging
mailap sa dilim ng gabi.
Ito’y
Bathalang hindi nagpapabaya
sa
mga mangingisda’y nagbibigay-biyaya.
Paghihintay sa
Palakaya
Tinitiis
nila ang lamig ng pang-umagang hangin.
Sa
pagsalpok ng along likha ng maliliit na bangkang de motor
sa
batalan ay isinisingit nila ang huntahan.
Silang
mga iniwan kagabi ng mga mangingisda;
mga
bata, mga ina’t asawa at mga kababaryong
naghihintay
ng balita mula sa isang gabing pamamalakaya.
Lahat
ay nananalangin,
pagpalain
nawa ang bangkang darating.
Ipag-adya
sa anumang sakuna sa maalong dagat.
Lahat
ay nangangarap ng masaganang huli.
Ang
mga ina’y naghihintay sa anak
na
sa murang gulang ay kung bakit pumapalaot.
Ang
mga babae’y naghihintay sa asawang
hindi
nakapiling kagabi, may kasamang ngiti
ang
pananabik sa kabiyak.
Ang
mga kababaryo,
umaasang
hindi nagsungit ang pihikang dagat
upang
sila rin mamayang gabi’y makapamalakaya.
At
ang masasayang bata, walang malay
na
naghihintay. Lingid sa kanila,
maaaring
sariling palad ang hinihintay.
oda sa
langay-langayan
para
kayong balahibo sa ibabaw
ng
dagat, lulutang-lutang
waring
di napapagod sa maghapong pagsalipawpaw
ni
hindi dumadapo
isang
kawan ng mga tulisang nanunugis ng dilis,
hipon
at kahit anong munting isda
isang
kawan ng hukbong nasasandataan
ng
matutulis na tuka, matatalim na mga mata
at
magagaang katawan
langay-langayan,
iginagalang ko
ang
inyong kasipagan
maghapon
sa paglipad at pagdagit
sa
maaalong lawa ng dagat
o
sa ilog o sa palaisdaan
waring
mga batang nambabakaw
ng
munting ani mula sa sakim na propitaryo
at
tulad rin ng mga bata
tinatakot
kayo ng mamamalaisdaan,
sinisindak
ng putok ng rebentador,
inuumangan
ng pisi at nililinlang ng panakot-ibon
ngunit
nanatili kayo sa paglipad
at
hindi naglulubay sa pagdaib
marahil
kailangan ninyong punuin
ang
imga butse para may maiuwi
sa
naghihintay na inakay
a,
kaibigang langay-langayan
saan
nga ba kayo humahapon
at
namumugad?
bago
lumubog ang araw,
maghihiwalay
na tayong muli
pareho
lang naman tayo
sa
ilang mga bagay;
pareho
tayong nangingisda
pareho
tayong mag-uuwi ng ulam
sa
naghihintay na pamilya
at
pareho tayong igugupo
ng
maghapong pamamalakaya
siguro
pareho lang din tayong
nagpapasalamat
sa maalamat na dagat
sa
munting biyayang ibinibigay niya sa mga tulad natin
paalam
sa ngayon kaibigan
hindi
ko alam kung saan kayo namumugad
iniisip
kong mapapahinga na ang mistikal mong pakpak
at
makakapag-ipon ng lakas para bukas
pagkat
tulad ko pareho tayong kakayod
pagsikat
ng haring araw.
Paghahayuma
Nakasalampak
siya sa ulilang bangka
habang
naghahayuma ng mga gunita
gitla
sa noo at laylay na balat
ay
mga panahong ginugol sa dagat.
Ilan
na kaya ang pilat sa katawan,
sa
pangingisda’y ilang beses nasugatan?
Samu’t-saring
tibo ang bumaon sa mga kamay
mga
daliri’y nagmistulang mga galamay
ng
damuko’t alimangong nakasanayan na
ang
mabaho at madulas na lansa.
Sa
pamimilapil sa palaisdaan,
sari-saring
hibo ang nangumusta sa talampakan,
ilang
tinik na ng aruma
ang
bumaon sa tibaking mga paa?
Nabilang
mo ba ang mga pagkakataong umuwi
nang
walang dalang isda kahit munggi?
Ilang
ulit pang lulusong-aahon sa tubig
may
maisubo lamang sa gutom na bibig?
Kailan
iiwanan ang panahong ang pamana
sa
iiwang anak ay sagwan at bangka?
Mangangapa
Tulad
ng mga magulang natin,
magalas
ang pawis na tumatagaktak
sa
halasing mga bisig;
mula
sa ating katawa’y humahalimuyak
ang
samyo ng putik at burak.
Tulad
nila,
kinupkop
din tayo ng mga sapa
at
ilog na ating laruan,
libangan
natin ang manugis ng palaka,
ang
mamutot ng bangus at tilapya.
Sa
pamimilapil,
sinisindak
tayo ng mga bayawak
o
ginugulat ng mga ahas,
sa
ilalim ng punong kamatsile’y
inaaliw
tayo ng mga ibong batu-bato
at
kasintayog ng lipad ng langay-langayan
ang
ating mga pangarap.
Batid
nating hindi tayo makaaahon sa lubak
(pagkat
kahit iyo’y ipinagkait sa atin)
ngunit
mga munting mangingisda tayong
hindi
takot sa alon at uliuli,
mga
munting mangingisda tayong maghahawan
sa
mga diliwariw, sa mga tinik ng landasin
upang
bukas ay kamtin ng mga anak natin
ang
biyaya ng tubig na tabsing.
Lasang Gilik
nila-
labusaw
ko ang putik
para makahuli
ng
bangus,
naglulubalob
sa burak para
hindi maka-
ligtas,
hinahabol sa tubig pagkat
lintik sa
bilis, nilalambat, inu-
umangan ng
salok, kinukuryente
kung
kailangan, pagkatapos
ay ilalako ng
mahal kong
kabiyak sa
lansangan
hanggang
makarating
sa inyong
hapag-
kainan,
ihahain ng
inyong
katulong
pagkatapos
tanggalan
ng hasang,
kaliskis,
palikpik,
pagka tapos,
lintik! sasabihin
mong lasang gilik!
Nagustuhan
mo ‘kamo, kaibigan
ang
inihanda naming lamang-dagat,
ngayon
ka lamang nakatikim
ng
tilapyang kumikisaw-kisaw habang iniihaw
at
kumakaykay ka sa pagtungkab sa aligi
ng
alimangong nahuli sa baklad,
halos
lumuwa ang iyong mga mata
pagkakita
mo sa hipong-puti at suwahe,
nakapikit
mo itong isinubo at isinawsaw
sa
sukang paombong.
Kaibigan,
parang piyesta, ‘ikamo.
hindi
ako makakibo
pagkat
dito sa nayong ito
sa
nayong sagana sa hipon, alimasag,
tilapya,
aligasin, alimango…
ay
totoo!
totoong
nagkakagutom ang mga tao.
Pahimakas ng
Isang Bantay-palaisdaan
Malawak
ang binabantayan kong palaisdaan,
ngunit
ito’y hindi sa akin, at ang laman nito;
bangus,
sugpo, ayungin, tilapya, alimango,
pati
burak ay pag-aari ng aking amo.
Ikukwento
ko sa inyo,
ako
ang nagtatanim ng lumot,
nagtatapal
ng mga balong sa pilapil,
ang
nagpapakain ng mga isda
sa
palaisdaang hindi sa akin.
Ang
aking amo’y dumadalaw
tuwing
Linggo, kinukumusta
hindi
ako kundi ang laman ng kanyang palaisdaan.
Binibisita
kung may iniulam
ba
akong sugpo o alimango
habang
siya’y nasa kanyang mansyon,
kung
hindi ako maingat sa pagtatago
ng
mga talukab at kaliskis,
sisante
ako.
Hindi
ko hinihingi ang palaisdaan,
ang
hinihingi ko ay ‘yung dapat na para sa akin -
ako
ang nagtatanim ng lumot,
nagtatapal
ng mga balong sa pilapil,
ang
nagpapakain ng mga isda
sa
palaisdaang hindi sa akin.
Alam
ko, ang tasik ng tubig-alat,
ang
amoy kung ang bangus ay lasang gilik
o
kung nagluluno ang mga sugpo
o
kung ang mga ito ay may sakit.
Ngunit
ang lapis ng aking amo
ay
hindi ko maunawaan,
umaani
kami’y nagkakaroon pa ako ng utang.
Ang Iyong
Palaisdaan
Ang
ipinatayo mong palaisdaan
Sa
madali’t malaon
Ay
matitibag, matitibag.
Pagka’t
ikinulong mo
Ang
tabsing na tubig
At
inangkin ang bawat pusag.
Ang
ipinatayo mong palaisdaan
Sa
madali’t malaon
Ay
mauubusan ng laman.
Pagka’t
unti-unting dinadagit
Ng
libong langay-langayan
Ang
labis mong kabuhayan.
Ang
ipinatayo mong palaisdaan
Sa
madali’t malaon
Ay
maaagnas, maaagnas.
Pagka’t
hinahampas
Ng
nagngangalit na mga alon
Ang
iyong mga pilapil.
Ang
ipinatayo mong palaisdaan
Sa madali’t malaon
Ay
mabubuwag, mabubuwag.
Pagka’t
nakapalibot sa pinitak
Ang
laksang talampakan
Ng
mga taong iyong inagawan.