Vim Nadera
1.
AMBAHANG AMBOY
2.
DIYOS NATIN
3.
HULA
4.
KITA
5.
HABANG NAMAMALUKTOT AKO SA MAIKLING KUMOT
6.
PAVILION 3
7.
PASINTABI
8.
LUNGSOD NG MGA LANGAW
9.
NOONG NALIMLIMAN NI MARTINES
10.
MAHAL KO
11.
HAGBONG
•
DIONAJOMA
•
VILLANELLEFIDEL
•
SESTINASIN
12.
KUWARTELADA
13.
ANIBERSARYO NGAYON NG MARTIAL LAW
15.
LAJILAHI
Matapos na mapako
ng tatlong daang taon sa krus na mapangako at espadang
nabaon -- ako ay inilako ng dating panginoon sa sino mang aako at ikaw na nga iyon! (Ako ay napasuko sa dalawampung milyong dolyar mong walang tubo. Akala ko pang-Hongkong ang ganitong pakulo. Talagang ang Espanyol ang galing magkanulo.) Magmula sa galleon ako ay pinasuno sa iyong mga bapor. Ginawa akong sugo sa Boxer na rebelyon. Muli akong sinundo nang may interbensiyon ng iyong mga nuno sa Rusong rebolusyon. Nang makipagkasundo ka raw sa proteksiyon ng Shanghai, napasubo na naman ako roon. Magpahanggang itayo ang Clark at Subic noon. Sa Angeles ang puno ng planong sa posisyong Viet Minh dapat ihalo ang nukleyar mong lason. Hindi ito nabuo dahil sa oposisyon na rin ng pasimuno. Ang mga operasyon sa CIA sa Gapo naging bago kong hamon. |
At ako ay lumikong Tsina at islang Quemoy- Matsu bago magsugo sa maka-Kanang ulnong ng ilan kong karugong Asyano sa rehiyon. Pinalapad pa lalo ang papel sa Washington ng aking papalabo nang papalabong misyon. Kaya ako huminto at natutong lumingon. Saka ko lang natanto kung saan nakahayon akong nagpakalayo- layo sa aking layon. Ako ang katutubong nagpatangos ng ilong. Ako ang dating hubong nakasuot ng maong. Ako ang katutubong tinawag nilang traydor. Ng naligo sa dugo Sa bintang na sedisyon. Ng maysakit na dugo Nang magkaprostitusyon. Ng kumulo ang dugong Nagka-cadmium sa balon. Luha ko ay tumulo Hanggang sa Immigration Office ay may binigong lolong gustong mag-Amboy. Inatake sa puso Siyang maka-MacArthur. Kanya ring utak-Kano ay ibuburol ngayon. Agaran kong tinungo Itong kanyang kabaong. Mundo ko ay gumuho pagkat ako ang nandun! |
Palaging
taimtim ako sa aking panalangin
Sa walang iba kundi sa dila at diyos natin.
Nawa ang aking gawa at salita, Malayari,
Mauwi , mas madalas kaysa hindi, sa mabuti.
Maging mas masagana pa sana kaysa anihang
Nagdaan sa kasalukuyan dahil kay Dumagan.
Subalit kailangan ko rin si Aniton Tauo
Upang ang hangin at ulan ay hindi maging bagyo.
Para hinugin ang palay, handa si Kalasakas
Basta may handog akong pinipig na mamiarag.
Pati kay Kalasokus na didilaw at tutuyo.
O kay Damulag na tagapag-ingat sa pagtubo.
Ngunit ang ginto ko ay naging bato nang pumutok
Ang bulkang akala ng lahat ay isa lang bundok.
Mainam na lamang at nakayakap ako sa krus
Bago ang
tinakbuhan kong simbahan ay lumubog.
Doon sa tuktok naranasan kong ipagkanulo
Ng espiritung aking tinawag sa Pinatubo.
Daig pa nga si Mangalabar na tagapagligtas
Diumano nang sa akin may sumaklolong unat.
Lahat sila maputi, mayaman, at maginoo
Na aking itinuring na mga bagong anito.
Ngunit ipinakilala nila ako sa I’am.
The Truth.
High Priest. Elohim. Living Water. Morning Star.
At iba pang bansag nila sa nag-iisang Yahweh.
Siya at walang iba ang dapat bigyang-papuri.
Di kanila ang utang kong loob na tatanawin.
Pero heto ako ngayon at kanilang alipin.
“Mag-ingat sa kamandag ng kobra,
sa pangil ng tigre,
At sa pagganti ng Afghan.”
Ang bagong lungsod ay nag-iisip ng sumpa at
kasimbago na rin ng kalunsuran.
Ang ibong mandaragit ang nag-aalay ng kapuwa ibon
niyang kanyang dinagit.
Makaraang patawarin ng tagumpay ang mga bihag,
kanino kayang tagumpay?
Ang Cremona at Mantuang nagdusa ng dakilang
kamalasan ay kaya ng pulis?
Nakayayanig na sunog mula sa gitna ng daigdig at
Nueva York nga ba ito?
Ang sanhi ng pagyanig ng tore sa paligid ng bagong
lungsod ay totoong Muslim?
Karaka isang higanteng kalat-kalat na apoy ay
lulundag bilang eroplano?
Pag kailangan nila ng pagsang-ayon ng mga Norman,
tayo ba ay tatanungin?
Papangarapin ng hari na pumasok sa bagong lungsod,
at sana isali kami.
Sa gitna ng mga kaaway nito darating sila upang
igupo ito agad.
Mga bihag ay lalaya upang magwika at kumilos nang
palaging nakakubli.
Ang hari para nasa labas ay lalayo sa mga kaaway
mistulang alagad.
Ang hardin ng daigdig sa tabi ng bagong lungsod ay
sa Silangan lalagong muli.
Sa landas ng mga bundok na hungkag walang takot
kaming mga api ay papasok.
Sasamsamin at ilulublob sa Kawang lumupig sa aming
uri, ari, at lahi.
Iinumin nang sapilitan ang mga tubig na may lasong
asupre ng pagsakop.
Namigay ng lupa si Heredero. Lumabas sa TV si Crush ng Bayan. Nagsimba si Siga kahit di Linggo. Nagpaseminar sa hall si Iskolar. Nakilala na ni Lolo ang apo. Dumalas si Matrona sa ampunan. Dumalang si Sakristan na magdisco. Si Tsismosa ay nanahimik lamang. Nagpaliga si Team Captain sa baryo. Sa publiko si Pastor nagkumpisal. Pati si Lakay na siya si Kristo. |
Pinanonood
naman namin sila. Umiiyak
pag sila ay umiyak. Tumatawa
pag sila ay tumawa. Walang
ipinagkaiba ang lahat. Sa
paborito naming soap opera. Tinutulungan
kaming makatakas. Sila
pa ang lilimusan ng pera. Samantalang
kami nga itong salat. Tapos
manghihingi kami ng grasya. Kaming
nabulag sa ganyang palabas. Ang
magmumura kapag walang kita. |
Nang mabasa ko ang peryodikong nagbandera na walang
kasingmura
Ang pangontra sa kalam ng aking sikmura,
pinagpupunit ko ito.
Makaraang aking mapanood ang TV na nagpalabas ng
tindang
Damit na halos ibigay ang presyo, pinatay ko ito
nang totoo.
Sapagkat punong-puno na ako sa propeta ng
kasinungalingan –
Minabuti kong magpakalayo-layo sa pinanggalingan
kong lungsod.
MRT, FX, bus, dyip, traysikel, pedikab, at iskits
aking sinakyan
Hanggang maubusan ako ng pamasahe at mapudpod ang
sapatos.
Masahol pa sa daga, ako ay sumuot sa lungga kung
saan-saan
Kaya aking nasundan ang dulo ng walang hanggan sa
rurok ng bundok.
Doon pala naroon ang kinaroroonan ng naglahong
siyudad
Na una sa estadong Sumeria o sibilisasyong Indus
Valley.
Mga mata ko ay nanlaki nang ito ay lumantad sa
aking harap
Na walang iniwan sa pelikula na aking nakita sa
VCD.
Subalit parang pinirata, sa isang iglap, nawala itong
lahat
Nang ginising akong taong grasa na at ginutom pa sa
Pavilion 3.
PASINTABI
Tabi, tabi po
Nuno sa punso
Akin nang suno
Ang inyong puno.
Hintay na ako
Ng magtrotrosong
May libong piso
Kada putol ko.
Makakakain
Na rin ang supling
Na masasaktin
Kakakaingin.
Kahit may mina,
O plantasyon pa,
Di na uubra
Ang ibang obra.
Maestra pala
Ang bagyong Thelma.
Nagturo siya
Ng alaala.
Lalo nang kunin
Niya ang aking
Anak na anim
Sa
bahang taksil.
Nabuhay
akong
Nagkukuwento
Ng
natukyan ko
Sa
inyong multo!
Tabi,
tabi po
Nuno
sa punso.
Akin
nang puno
Ang
inyong puno.
LUNGSOD NG MGA LANGAW
Nagulat sila sa aming
pagsulpot sa kagubatang ito.
Alam ko na di nila alam
na alam ko.
Isang linggo na akong
nagpapabalik-balik dito at isang linggo ko na ring tinatanong ang mga basura: “Ibig ba ninyong maykasama rito?”
Nang
makalikom na ako ng mga oo, sinorpresa ko ang tambakan.
Hatinggabi ako lumipat dito.
Limang libong pamilya ang kasama ko.
Binigyan kami ng anim na oras para
makapagtayo ng bahay.
Sa dilim, kitang-kita ko pa rin ang
bugang na mas mataas sa kogon bagamat mas malakas ang huli dahil nakuha nitong
kainin ang kalsadang semento.
Dalawampung taon nang wala ritong
tumitira.
Ako ang unang nangahas.
Bagamat, tulad ng aking kasamahan,
50 metro kuwadrado lamang ang maaari kong ariin.
Tagapagpatupad ako ng batas kaya
ayokong ako rin ang lalabag nito.
Gaya ng gabing iyon, nangapa rin ako sa
mga sumunod pang umaga.
“Bahala
na kayong dumiskarte!” utos ng alkalde sa akin.
Kaya kusa na akong nagnakaw ng koryente
sa pinakamalapit na poste.
Isang taon ko ring ginawang isang kable
lamang ang nagbibigay ng isang liwanag sa aking tinawag na isang tahanan.
O, mga tahanan.
Humukay ako ng isang dipa
at daglian akong nagkatubig.
Sinunod ako ng mga kapitbahay ko.
Sumunod naman ang aming
pagkakasakit.
Nagkaepidemya agad ng kolera.
Bagamat
araw-araw kaming paparami nang paparami, noon, araw-araw kaming papakonti nang
papakonti.
Unang pumanaw sa amin ay ang mga bagong
silang.
Mabuti na lamang at mabuting mamahay
ang butihin kong maybahay.
Hindi kami namatayan pero daig pa
kaming naulila nang…
“Si
Rosalinda! Si Rosalinda! Patay na.”
Oo, wala na, wala na nga ang aking
paboritong pusakal.
Pusang
kalye!
Olandes
ang kanyang balahibong parang buhok na laging bilad sa araw.
Pisak
ang kanyang matang parang sa akin na merong latay ni Itay.
Putol
ang kanyang butot na parang akong bahag din hanggang matutong magkaroon ng
siyam na buhay.
Oo,
inagas ako ni Inay pero nabigo siya;nagkatipos na ako bago mag-isang taong
gulang; nahulog ako sa balon dahil sa katatakbo; bumagsak mula sa puno ng
makopa; muntik nang malunod sa Alitao; kinuyog ng mga kalaro kong hindi ko
pinahiram ng holen; sinaksak ng lapis ng isang kaklase ko ang aking leeg nang
ayaw kong pakopyahin sa eksamen; at, tinamaan ng ligaw na bala habang nanonood
sa bubungan ng mga paputok na sumasabog sa langit!
Hindi
totoong walang kulay ang kamatayan.
Itim
ito.
Walang
kasimpusikit ang panahong iyon na walang ipinakitang liwanag kundi pagluluksa.
Ang
pook itong ang wala ring ipinamalas ay malas.
Araw-araw
ang pagbaha ng luha.
Kaliwa’t
kanan ang pananalanta ng katahimikan.
Tutol
na tutol ako sa ganitong lugar at oras.
Nagsisikip
ang aking paghinga.
NOONG NALIMLIMAN ANG ITLOG
NI MARTINES
ng sapatos ni Kabayong laging mabilis
si Mariang Sinukuan ang nagpalubid
sa takas na leeg nang batas ay manaig.
Sa korte, naghalo ang huni at halinghing
pagkat sa maling hakbang ay walang umamin
hanggang naging bahag ang buntot ng salaring
nakita uli ang susi sa kanyang lihim.
“Si
Pagong,” sikad ng karerista, “Si Pagong!
Siyang
ang tahanan kahit saan ay sunong.
Tuloy
sa takot ko, pati ang aking takong
ay
lumipad at dumapo sa pugad-ibon.”
Kagyat hinikayat ang may bahay na layas
upang maging tapat sa kanyang pagtatapat.
Anang may angkang-pawikan: “Si Alitaptap.
Kanyang
Liwanag ang sa akin ay gumulat.”
Madaling tumugon sa hukom ang insekto
pero istorya niya
ang kanyang kuwento:
para
maligtas sa sipit ni Alimango.”
Karakang tinanong ang katang. At sumagot:
“Labag
po iyon sa batas ng aking loob.
Sumunod
lang po ang dahas sa aking kilos
kay
Lamok na ang turok ay ingay na tugtog.”
Umusok bigla ang tainga ni Maria.
Dahil sa kinanta, siya ay nagpasiya:
“Ngayon
din, sa puno at dulo ng malarya,
pagpalo
habambuhay ang aking parusa!”
At nanumbalik ang tahimik sa sarili
nang ang simula ay nahuli rin sa huli.
Kahit ang kriminal ay kay hirap mahuli
-- tumulog ang lahat nang himbing gabi-gabi.
Binubuyo ni Busau ang mga Muslim at Ilaga na
pumaslang.
Ang Mindanao ay ginagawang higanteng sementeryo ni
Tagbanua.
Dahil kay Panaiyung, ang lahat ay nagiging mga bagong buwang.
Pista sa Idadalmunon, pag nagbanggaan ang Kanan at
Kaliwa.
Kaya itinataon ni Panlinugon doon ang
pagpapalindol.
Pinakakawalan ni Luyong Kabig ang mga ahas mulang
lungga.
Si Luyong Baybay naman ang bahala sa pagpapataas ng
alon.
Kung may munting away sa magkapitbahay, gera na ito
kay Hipag.
At magtatalo ang dalawang ulo ni Kikilan hanggang
dumugo.
Sina Imbagyan at Lingayang gabay ng kaluluwa ay
nagmatyag.
Kahit alam nilang laro lamang ito ni Gatuing
palabiro.
Sumugod silang parang bombero nang masunog ang
kabilang yunit.
Ngunit hindi para patayin ang apoy kundi para hipan
ito.
Oo, silang lahat ay narito para lalo tayong
magkagalit
Kaninang sa harap ng mga bata minura mo ako, mahal
ko!
HAGBONG
“Assalamu
alaikum,” ang sumaakin.
Itinanong ko ang ibig ninyong sabihin.
Kapuwa natin tinitigan ang paningin.
Lumiwanag ang araw, buwan, at bituin.
Itinanong ko ang ibig ninyong sabihin.
Kaninong kapayapaan:inyo o amin?
Lumiwanag ang araw, buwan, at bituin.
Pinunit ng “at
sumainyo rin” ang dilim.
Kaninong kapayapaan: inyo o amin?
Kaninong diyos: Kristiyano ba o Muslim?
Pinunit ng “at
sumainyo rin” ang dilim.
Na kumain sa mga tangan nating baril.
Kaninong kapayapaan:inyo o amin?
Kapuwa natin tinitigan ang paningin.
Na kumain sa mga tangan nating baril.
“Assalamu
alaikum,” ang sumaakin.
Anak, naaalala ka
Sa salitang “makibaka”
At wala na ngang iba pa.
Ikaw raw ang bagong Andres
Na hindi lang nag-iingles
Kundi nag-aaritmetik.
Mahusay ka raw magbilang
Ng donasyon sa kilusang
May sariling pamuwisan.
Hindi ba ekuwalidad
Ng mayaman at mahirap
Ang inyong pinapangarap?
Ano at sariling kadre
Ninyo rin ang nagsasabing
Kayo ay nagpapandali?
Akala ko ba pantaong
Karapatan ang sa inyo
Prioridad na primero?
Kung nasa ninyong lumaya?
Bakit ba lagi kang wala?
At saka nangibambansa?
3. VILLANELLEFIDEL
Meme na, bunso ko
Ating idalangin
Ang ingay ng mundo.
Sabi ng pangulo:
“Putok
ay itigil!”
Meme na bunso ko.
Habang di pa Pasko
Tuloy ang pagkitil.
Ang ingay ng mundo.
Anong puno’t dulo
Ng tulog at gising?
Meme na, bunso ko.
Sus, Biyernes Santo
At walang pangilin!
Ang ingay ng mundo.
Tatay mong sundalo
Ngayon ay nabaril.
Meme na, bunso ko,
Ang ingay ng mundo.
Sa kaisa-isang Kristiyanong bansa sa Asya,
Ang kanyang Kabunyian ay isa ring paradoha:
Hindi Romano subalit sugo ng Santo Papa,
Makabansa lagi kahit Tsino na Bisaya pa,
Arsobispo pero pangunahing pagkakasala,
Paring ang simbahan at estado ay pinag-isa.
Paano kung ang bayan ay di niya pinag-isa?
Pinakauna pa namang republika sa Asya.
At pamomolitika ang kanyang pagkakasala.
Mapapakain ba ako ng kanyang paradoha?
Sakaling maisusuot, ito ba ay uso pa?
Ito ba ang tahanang pangarap ng Santo Papa?
Mapasasamba ba niya ako sa Santo Papa?
Kahit persona ko ay pilit niyang pinag-isa?
Sa Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo pa?
Maging ako man ang huling ateista sa Asya.
O sa mundong ito na planeta ng paradoha.
Dalita ang ikukumpisal kong pagkakasala.
Dalita rin ang inilihim kong pagkakasala.
Hindi ba ito ang ebanghelyo ng Santo Papa
Sa ugnayang mafia sa loob at labas ng Asya?
Hatinggabi ang magandang gabi para dumalaw ang
bangungot.
Pinalubog muna ang araw upang mailatag ang
karimlan.
Bago sila manghimasok sa pintuan ng antok ng may
antok.
Nag-agawan ang orasan sa takipsilim at
bukang-liwayway.
Nag-almete ang bungo ni Ungong dati-rati ay hubo’t
hubad.
Ang taba niya ay sinipsip ng tabakong sinipsip ni
Sitan.
Pag nakapatig mapagkakamalang berdeng bomba si
Batibat.
Kagat ang hinlalaki habang papaling-paling ang
kanyang paa.
Kung paano siya nagkasya sa akasya ay isang alamat.
Maysa-maya si Kapreng kung sumipol ay
makatanggal-tainga.
Kahit kaya niya ang kanyang hugis at hitsura ay
mabago.
Makikita pa rin siyang ngayon ay hunyango ang balat
niya.
Sa hilatsa at hiyaw, si Mantahungal ay di-sungayang
toro.
Buhok ay alpombra at bunganga ay kuwebang may
muhing pangil.
Bumaba mula sa Tagbanuang bundok para lang sa
misyong ito.
Higanteng ulikba si Numputul na sa Ilocos pa
nanggaling.
Nagiging manok na ahas ang patuka siyang sakay sa
tangke.
Kapag tao siya ay pugot ang ulo maliban kung may
piging.
Mulang halamang pitsel si Binangunan ay handang
umatake.
Kabayo siyang sa ulap lulubog-lilitaw nang
tumitiktik.
Angkas sina Buringcantada, Manananggal, Bawa, at
Annani.
Pati sina Bawaya, Mikonawa, Magtitima, Ebwa,
Lampong,
Memeleu, Macupo, Buso, Sagay, Gisurab, Kalag,
Calanget,
Aswang, Kibaan, Palasekan, Balbal, Ikugan, Segben,
at Aghoy.
Gulantang sila nang sumama si Engcantada kina
Mamangkit,
Mahomanay, Tahamding, Sunat, Wirwir, Gawigawen, Tawong-lupa,
At Bungisngis dahil ang bango niya at ang iba ay
kay bangsit.
Ngunit natahimik silang bigla nang ang buwan ay
iniluwa
Ni Baconauang napabahin sa ingay ng lihim na
paglusob
Upang pataobin si Bathalang sa Liwanag mas
nagtiwala.
ANIBERSARYO NGAYON NG
MARTIAL LAW
(Kay Luis Diaz Beltran)
Anibersaryo ngayon ng Martial Law
kaya ang komentarista sa radyo
(na nanahimik nang makalaboso)
ang sa pagkahol ay kinapong ASSO!
Kesyo, daang piso ang presyong laan
araw-araw sa kain ng doberman
samantalang sila – kinse pesos lang –
kasi wala silang panga-pangalan.
Di tulad ng walong Simeon Rodriguez,
walong tokayong ipinapiit,
pinitpit ang bayag, at pinaawit
pilit kung sino si Simeon Rodriguez.
Daig pa nilang nanood ng sineng
bida ay sina Divina o Merlie
kung PD ay may huling inosenteng
naonse sa a-Onse ng Setyembre.
Talapihitang higpit na nag-init
ang kumawali sa aking pandinig
sa dekadang de-susi ang pag-imik
at de-poder ang humalik sa puwit.
Kulong na historyador sa upuan
akong tumuklas ng sino, kailan,
ano, papaano, bakit, at saan
bagamat sang-oras ding nagsasalsal.
Balang-araw magiging lolo akong
hanggang sa tuhod ay magkakaapo
pero pag ako ay pinagkuwento –
gunitang ganito ba ay may curfew?
PANGINOON: Paglilitis!
BAYAN: Paglilitis!
PANGINOON: Handa na ba kayo?
BAYAN: Handa na po kami!
PANGINOON: Atin ngayong sisimulan
Ang palarong makabayan
Kaya mga kababayan
Manood na at pakinggan.
[Mananalangin.]
BAYAN: Amo
namin,
Sumasalupa ka,
Sambahin ang yaman mo,
Mapasaamin ang ari-arian mo.
Sundan ang yapak mo.
Dito sa nayon para ng sa lungsod.
Biyayaan mo kami ngayon
Ng aming ipakakain sa araw-araw
At patawarin mo kami sa aming mga utang.
Para ng pagpapatawad namin sa nagkakautang sa amin.
At huwag mo po kaming ipahintulot sa hukbo
At iadya mo kami sa lahat ng pag-aalsa.
Amen.
[Ipakikilala
ni PANGINOON ang mga Belyako at Belyaka.]
PANGINOON: Araw itong kasingganda
Ng iba pang pagpipista.
Kaya
ating iselebra:
Manggagawa’t magsasaka.
Heto na po ang dalawa:
Maso’t Karit walang iba.
Silang aking pampagana
Araw-araw sa umaga.
[Ituturo
ni PANGINOON ang mga alituntunin.]
Pag-aari,
at panlasa.
Dapat akong maging una
At huli ring eeksena.
Ang ibig ko sa kasama
Ay
marunong makisama.
Ang
anumang aking dikta
Kailangang sundin nila.
[Mag-aakusa
si PANGINOON.]
PANGINOON: Ako ay may ibong maya.
Ginintuan kanyang hawla.
Ngunit
ngayon wala siya
At di ko na nakikita.
KARIT: Hindi po ako pumapatay!
PANGINOON: At sino ang pumatay?
KARIT: Ang punong halaman!
PANGINOON: Hindi pumapatay ang punong halaman.
Ang
magsasaka raw ang siyang pumatay!
KARIT: O dueño de jatong makapangyarihan,
Punong sinusunod ng nagkakapisan,
Ang sasabihin ko’y mangyaring
pakinggan
Upang matatap mo ang sa ibo’y natay.
Doon po sa aming nayon ng Amaya,
Ay may mag-aanak na nabubuhay pa:
Gawa ng lalaki’y manghuli ng tuma’t
Manghuli ng kuto naman ang asawa,
PANGINOON: Sero!
KARIT: Hindi pa po ito, mahal na panginoon!
PANGINOON: Itago ang pamamanas,
Ang
pamamaga’y sa labas!
KARIT: Putok na po ito, mahal na panginoon!
Ako’y may pautang, kahit kakaunti,
Na kung
tutuusin ay tatlong salapi,
Lahat ng
piseta, kung ga’t maaari,
Atin
bawasin at itira ang sukli.
At sa sukling ito, panginoon namin,
Fuera los nueve po mangyaring
tuusin,
At ang matira po’y ating pagdusahin
Pagka’t sa ibon mo ay siyang may
kimkim.
PANGINOON: Numero!
KARIT: Si Maso po!
PANGINOON: Kung gayo’y lumapit, belyakong
barilag,
At tanggapin yaring palmatoryang
hawak,
Belyakang
maysala’y lapatan mo agad
Ng
wastong parusang sa sala ay dapat!
[Susunod
sa utos ni Panginoon at susurutin si MASO.]
KARIT: [Kay
MASO.] Tindig katawan ko’t lumapit sa
hari,
Hakbang mga paa’t ika’y magmadali,
Magpakatatag ka nang huwag masawi
Sa kakalabaning dito’y nalilimpi.
[Sasamahan
ni KARIT si MASO sa harap ni PANGINOON.]
KARIT: Naririto na po sa mahal mong harap
Ang abang lingkod po tutupad sa atas,
Ang palmatorya po’y mangyaring
igawad
At nang ang parusa’y aking ipatupad!
[Tatanggap
si KARIT ng tsinelas mula kay PANGINOON at saka babaling kay MASO.]
KARIT: Darakilang diosa na pinagtipunan
Ng lahat ng dikit sa Sandaigdigan,
Tanggap ang parusang ngayo’y
nalalaan,
Masakit-sakit ma’y iyong pagtiisan!
[Titingnan
sa mata ni MASO si KARIT at saka magbibigay ng babala.]
MASO: [Kay KARIT.] Mahal
na binata, ay magdahan-dahan:
Ikaw, nang paghipo sa kanan mong
kamay,
Dulo ng
daliri, kapag hinawakan,
Buti pa’y kitlin mo ang sariling
buhay!
Ang kasalanan ko’y sabihin mo muna,
Kay Poncio Pilato’y huwag kang
pumara,
Humatol
kay Kristo, gayong walang sala!
[Magsasabong ang
mga diwa at damdamin nina KARIT at MASO. Dahil sa kung saan-saan dako mapupunta
ang usapa’t usapin, maliligaw si PANGINOON
subalit
hahayaan ang dalawa sapagkat kuhang-kuha nila ang simpatiya
ng
BAYAN.]
KARIT: Sa
kanayunan dapat mag-ugat ang himagsikan!
MASO: Sa kalungsuran dapat ding itayo ang
rebelyon!
KARIT: Kaming mga magsasaka sa pagpupunla
sanay!
MASO: Kaming mga manggagawa sa pagbuo
marunong.
KARIT: Napatunayan ito ng mga Tsinong maka-Mao.
MASO: Dalawang dekada itong tagumpay sa
dantaon.
KARIT: Ang batayan at basehan nito ay
laging rural.
MASO: Urban ang dalawang yugto ng Russian
Revolution.
KARIT: Ito nga ay walang iba kundi ang
protracted war.
MASO: 1905 at 1917 ang gintong taon.
KARIT: Linang ang sa Pulahang Hukbo at Base
nagsilang.
MASO: Bagay lang iyan kung malalayo ang
ating nayon.
KARIT: Ngunit mabundok ang Luzon, Visayas,
at Mindanao.
MASO: Pero naroroon sa punong-lungsod ang
aksiyon.
KARIT: Ibig mong sabihin ang aksiyong Alex
Boncayao?
MASO: Kung wala iyon, walang panabla ang
mga unyon.
KARIT: Wala sa aming plano ang
gerilya-gerilyahan.
MASO: Hindi nila binalak na maging
kidnap-for-ransom.
KARIT: Ang sa siyudad nabuhay sa burgesya
namuhay.
MASO: Lahat na yata ng paisano ay lumipat
doon.
KARIT: Tulad ng inyong biglaang pagsali sa
halalan.
MASO: Mas malaki ang pagkakataon sa
eleksiyon.
KARIT: Tanging puno’t dulo ng pagbabago ay
digmaan.
MASO: Alyansa lamang ang tugon sa ating
mga tanong.
KARIT: Pangarap mo bang maalala bilang
isang Lagman?
MASO: Pangarap mo bang maalala bilang
isang Sison?
[Mahahalatang
pumuputok ang butse nina KARIT at MASO kaya makikialam si PANGINOON.]
May gulo sa Kaluwalhatian!
[At
dali-daling papasukin sa entablado ang isang sorpresang panauhin na walang
kamuwang-muwang sa nagaganap sa paligid -- si Duplero. Tutula siya ng BAYANING MAGILIW.]
DUPLERO: Bakit ang loob ng iyong abang
lingkod sa iyo dapat mahulog?
Sa
ginoong sintamis ng oo ang pagtingala at pagtaludtod?
Merong
Segunda, Orang, Leonor, O-sei-san,
Gettie, Consuelo, Nellie,
Susanne,
at iba pang pugad bago kay Josephine huling nagpahuli?
Huwag
maniwala sa hunyangong papalit-palit?
Ibarrang Simuon?
Tomasinong
nagpa-Ateneo? O Katolikong
nagpaka-Mason?
Hindi
raw dapat magtiwala sa hudyong palipat-lipat? Laguna
Ang
Un Recuerdo A Mi Pueblo kung Mi Ultimo Adios ang Luneta?
Bait
ko sa sarili ang nagsabi: “Lahat ay
patas sa pag-ibig.”
Kaya
binigyan kita ng aginaldo ng pagdadalawang-isip.
Puntod
mo ay agad kong tinungo upang biyakin ang iyong puso.
At
tiyakin ang iyong pagsuyo kung tumutupad pa sa pangako.
Lumukso
ang tuyong dugo sa pawis ng kamay kong budhi ang hawak.
Luha ko ang hinugasan ng gulat sa nakuhang balang
sumugat.
Sumulat
sa dibdib mo ng pinag-isang LUZON,
VISAYAS, MINDANAO,
Tatlong
supling kong isinilang noong pinaslang ka sa Bagumbayan.
Tuwing
hinaharana ng pambansang awit, ako ay nagigising.
Nagiging
imortal ang damdamin at diwang inalay mo sa akin.
Huling
paalam mo ay unang kumusta sa paglaya ng bandila.
Wagayway
ng anak kong ang pagkabansa ay mula sa iyong tula.
Minahan ng ginto ni Haring Solomon – ang Ofir.
O ang Maniolae – na kapuwa antigong bansag
Ng mga pari at pantas sa lumang Pilipinas.
Subalit bakit mas malapit sa taguring May-i
(O lugar na maahas) ang sa akin nangyayari?
Matay kong isiping nasa pugad ako ng traydor
Pero ano itong nakapalibot na ulupong?
Mas masahol pa sila sa talangkang nambibigo
Kahit pa sa kadugong ang narating ay malayo.
Tayo ba ang salamin ng puta-putakeng pulong
Nagtutuklawan kung kaya hindi mabuo-buo?
Hindi ba ito ang tumulong sa kolonisador
Para lupigin tayo nang walang kagatol-gatol?
“Wala
kang paki,” sabi ng isa,
“sa di mo pami.”
Sabi naman ng iba: “Kayo-kayo. Kami-kami.”
May lakas-loob pa ba tayong mangarap umunlad
Samantalang,
pagkamulat, tayo ay watak-watak?
Hindi kaya nasarapan tayong maging alipin
Kaya wala na tayong mas mataas na mithiin?
Ano at mamamakyaw pa raw kung makakatingi?
Ganito ba ang uri ng mundo na mamamana
Sa akin ng aking anak na magkakaanak pa?
Disin sana napipili rin ang ating magulang.
Maging ang kung saan tayo isisilang na bayan.
Bagamat maaari pang mandarayuhan ako
Iiwan at iiwan ko rin ang puso ko rito.
Dito sa tierra adoradang gagawin kong bansang
Kailangan ako kaya ako rito nagmula.